Everyday, when we commute, we meet different kind of people (commuters) just like us… Here are some of them that called my attention… I baptized them with certain names so that when you meet one, you would know anong klaseng passenger cla??
PASA-GIT – (PASAherong NangigitGIT) these are the kind of commuter na alam naman nilang masikip na sa jeep but still sumasakay pa rin tpos pag umupo sila ay nanggigitgit… and some of them at the back of their minds would want you to give way para maka upo ka ng maayos… Most of them are those who are late na sa office or gustong gusto na makauwi agad or makapunta sa kanilang paroroonan.
PASA-PO – (PASAherong gusting makauPO) agadlong lost relative ng PASAGIT, usually matatagpuan mo sila sa bus… They are those na alam na rin nilang puno ang bus but still sasakay pa and pag nakatayo na sila dun, pupwesto sila sa may mga mukhang mababait na tao upang sila ay paupuin…. (Sila ay kadalasang matatanda na) pag naka encounter ka ng ganito, maaari kang magtulog tulugan para sila ay maiwasan….
PASA-HOK – Ito naman ang klase ng pasahero na mahahaba ang buhok na nilulugay at kapag hinangin, lahat ng hibla ng buhok nila kasama na ang dandruff at mga alaga ay pupunta sa inyong mukha…
PASA-MOY – type of passenger na may mga mababahong amoy, may anghit at kung anu ano pang hindi kanais nais na amoy… Silay ay yung mga taong nakalimutan atang mag deodorant… Sila rin ay yung mga taong natuyuan ng pawis dahil sa kanilang trabaho… kadalasang makikita sila sa lahat ng mass transportation at kalimitang sa hapon sila lumilitaw lalo na kung rush hour….
PASA-RA – Sila ay yung uri ng pasahero na magpapara sa gitna ng intersection, nagpapara khit naka GO ang traffic lights, nagpapara kahit sa no loading/unloading zone at nagpapara kht nakaakyat na ang sasakyan sa fly over… kadalasan sila sa jeep, bus at taxi matatagpuan…
PASA-NONG – Ito ang pinakamatalinong uri ng pasahero sila ay yung utos ng utos at marunong pa sa driver…
PASA-KOT – Pasaherong dukot ng duKOT sa kanilang bag, bulsa at kung saan saan pa, kahit siksikan na sa sasakyan at wla silang pakialam kahit masanggi ka o nakakaistorbo na sila…
PASA-LANG – Sila naman yung mga PASAherong sobrang guLANG… Yung iba ay magsisinungaling sa knilang pinanggalingan at pupuntahan upang maka menos ng pamasahe… Meron din namang nabigyan na ng sukli ngunit hihingi ulit… Pero ang pinaka brutal nito ay yung mga taong hindi na nga nagbayad ay humihingi pa ng sukli…
Ito ay ilan lamang… Isa ka ba sa kanila??? Kung meron Ka pang naisip…. Ikoment mo na lang at ilalagay ko sa future blog post ko… hehehe